drug syndicate

BOC at drug syndicate, may sabwatan sa pagpuslit ng shabu sa bansa

Metro News

Naniniwala ang Philippine Drug Enformcement Agency na may sabwatan sa pagitan ng mga tauhan ng Bureau of Customs at drug syndicate upang maipuslit sa bansa ang isang tonelada ng shabu na nagkakahalaga ng 6.8 milyong piso.

Sinabi ni PDEA Director General Aaron Aquino na nakakatiyak siya na may ilang mga perso­nalidad sa ahensiya na may kinalaman sa pagpupuslit ng bawal na gamot.

Tumanggi pa si Aquino na tukuyin kung sinu-sinong mga tauhan BOC ang may kinalaman sa drug smuggling.

Katwiran ni Aquino, hindi susugal ang isang international syndicate na maipasok ang kargamento sa bansa kung walang tutulong mula sa loob ng Customs.

Maging si Senate President Tito Sotto ay kumbinsido na may sabwatan sa pagitan ng mga opisyal ng BOC at ang mga sindikato ng droga.

Kaugnay nito, hinamon ni House Committee on Drugs Chairman Robert Barbers ang PDEA na magpakita ng pruweba sa akusasyong ito.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *