DSWD

DSWD, pinaiimbestigahan sa Senado kaugnay sa COA report

National News

Pinaiimbestigahan ni Senador Bam Aquino sa DSWD kung natatanggap nga ba ng mga kapos-palad na mga pamilya ang benipisyong mula sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps.

Ginawa ni Aquino ang panawagan matapos lumabas ang COA report na aabot sa P1.3-B ang hindi pa na-claim ng mga benipisyaryo noong taong 2017.

Sinabi ng COA na ang bigong pag-claim ng mga grants ay patunay na hindi nangaingailangan ng subsidiya ang mga pamilya.

Kasabay nito ay ang pagkwestyon na rin ng ahensya sa listahan ng mga benipisyaryo.

Kaugnay nito ay pinarerepaso na rin ng senador sa DSWD ang listahan ng mga benipisyaryo ng 4Ps.

Ito ay upang masiguro na karapat-dapat nga na tumanggap ng tulong ang nasa listahan.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *