aerial inspection

Pangulong Duterte, masasagawa ng aerial inspection sa mga binahang lugar

Metro News

Magsasagawa ng aerial inspection si Pangulong Rodrigo Duterte sa Metro Manila at Rizal Province para tingnan ang lawak ng mga lugar na lumubog sa baha dulot ng ilang araw na tuloy-tuloy na pag-ulan.

Ayon kay SAP Christopher Bong Go gagawin ni Pangulong Duterte bago ang aerial inspection ang mass oath taking ng mga bagong appointees sa pamahalaan at sendoff ceremony para sa mga manlalaro na sasabak sa 18th  Asian Games.

Samantala, wala pang abiso sa Malakanyang kung magdedeklara ito ng suspension sa trabaho sa pamahalaan at ilang pasok sa paaralan.

Nauna nang nagdeklara ng suspension sa trabaho ang Senado, Kamara, Korte Suprema, Office of the Ombudsman at iba pang gov’t agencies.

Pinapaalalahanan ng Malacañang ang publiko na pa-igtingin ang ibayong pag-iingat bunsod pa rin ng nararanasang sama ng panahon na dala ng Habagat.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *