Marikina River

Water level sa Marikina River, patuloy na minomonitor

Metro News

Patuloy na bumababa ang lebel ng tubig sa Marikina River.

Alas diyes ng umaga kanina ng bumaba sa 15.7 meters ang lebel ng tubig at nakataas na lamang sa unang alarma.

Sa impormasyon ng Marikina PIO, mas mababa na ang lebel ng tubig kung ikukumpara sa 17.2 meters na water level kaninang madaling araw na nasa 2nd alarm.

Sa ngayon ay ipinapatupad pa rin ang preventive evacuation sa Marikina lalo na sa mga lugar na malapit sa ilog.

Nasa mahigit limang libong pamilya pa rin o katumbas ng nasa 21,000 ang nasa 20 evacuation centers sa buong Marikina.

Samantala sa Pasig City naman, nasa mahigit isanlibong pamilya pa rin ang inilikas na nasa 6 evacuation centers ngayon sa Pasig.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *