China

Aso sa China, hindi iniwan ang among nahimatay sa kalsada

International News

Isang ospital sa Northeast China ang pumayag na papasukin ang isang aso sa ospital para bantayan sa labas ng treatment room ang kanyang among nahimatay.

Naglalakad ang babae kasama ang kanyang golden retriever noong linggo sa Daqing Rd sa China ng mawalan ito ng malay.

Agad namang rumesponde ang mga nakakita at tumawag ng ambulansiya.

Kitang-kita rin ang pag-aalala ng aso na niyakap pa ang amo sa stretcher habang isinasakay ito sa ambulansiya.

Sa pagkakataong iyon ay pumayag ang staff ng ospital na pasakayin sa ambulansiya ang aso.

Napag-alaman na nakainom pala ang babae noong nakaraang gabi bago ang insidente.

Ayon sa head nurse ng ospital ay tama ang kanyang desisyon na hindi itaboy ang golden retriever.

Masaya ang buong staff na makitang niyakap ng pasyente ang kanyang aso pagkagising nito.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *