Dumaguete Airport

Gulong ng eroplano ng PAL, sumabog sa runway ng Dumaguete Airport

Provincial News

Sumabog ang gulong ng isang eroplano ng Philippine Airlines (PAL) habang nasa runway ng Dumaguete Airport.

Ayon kay PAL Spokesperson Cielo Villaluna, 6:42 ng umaga nang magkaproblema ang gulong ng flight PR 2541 Airbus A320.

Paliwanag pa ni Villaluna, nakalapag na ang eroplano at habang nasa slowdown stage na ito ay biglang sumabog ang gulong.

Ligtas namang pinababa ang nasa 121 sakay ng naturang nagkaaberyang eroplano.

Dahil dito nagpalabas na rin ang Notice to Airman ang CAAP hinggil sa pagsasara ng runway sa naturang paliparan

Inaalam na ang sanhi ng insidente.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *