buy bust

Tulak ng droga, arestado sa buy bust ng PDEA

Metro News

Bumagsak sa kamay ng otoridad ang isang tulak ng droga kasunod ng ikinasang buy bust operation ng PDEA sa Mother Ignacia, Quezon City.

Kinilala ng PDEA ang inarestong suspek na si Carlo Santos.

Nakuha mula kay Santos ang nasa halos 1 milyong piso na halaga ng iba’t ibang uri ng party drugs.

Ito ay kinabibilangan ng 330 ecstacy tablets, 50 ecstacy capsules, 9 na bote ng energy drink na may 1,100 ml liquid ecstacy at iba pang party drugs.

Dagdag pa ng PDEA, posibleng ka-grupo ng suspek ang nahuli ng Northern Police District  kamakalawa  sa Quezon City.

Kasong paglabag sa Republic Act 9165 Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang kakaharapin ng suspek.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *