P60-M Tourism ad deal

Walang iligal sa P60-M Tourism ad deal – Wanda Teo

National News

Iginiit ni dating Tourism Secretary Wanda Teo na walang iligal sa P60-M Tourism ad deal ng DOT at ng programa ng kanyang kapatid sa PTV.

Sa pagharap nito sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee, inihayag nito na kumpiyansa siyang dumaan sa tamang proseso at legal ang naturang kontrata.

Matatandaang nasilipan ng COA ang naturang transaksyon ng DOT na umano’y kulang ng kaukulang kontranta.

Ang kontrobersya ay nagresulta sa pag-resign sa pwesto ni Teo at pinalitan ni Bernadette Romulo-Puyat.

Maliban sa senado, ay iniimbestigahan na rin ng Office of the Ombudsman ang kontrobersyal na advertisement deal.

SMNI News

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *