mambabatas

4 na dating mambabatas, lumutang na

Metro News

Lumutang na ang apat na dating mambabatas matapos ibasura ng Palayan Regional Trial Court (RTC) ang kasong double murder laban sa mga ito.

Humarap sa publiko sina dating Gabriela Representative at ngayo’y Anti-Poverty Secretary Liza Maza, dating Anakpawis Representative Rafael Mariano at dating Bayan Muna Representatives Satur Ocampo at Teddy Casiño.

Mainit silang sinalubong ng kanilang mga tagasuporta at mahal sa buhay.

Samantala, ikinatuwa ng Malacañang ang pagbasura ng korte sa kaso laban sa apat.

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na patunayan lamang ito na gumagana ang legal na sistema sa bansa.

Masaya aniya sila na makakabalik na sa trabaho si Maza.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *