Bitag Media

Bitag Media, may kailangan pang singilin na utang sa PTV

National News

Maniningil pa rin ang Bitag Media na pagmamay-ari ng broadcaster na si Ben Tulfo.

Aniya, kulang ang animnapung milyong pisong bayad ng PTV mula sa isang taong pinirmahang kontrata nito.

Ayon kay Ben Tulfo, CEO ng Bitag Media, “P60-M kung titingnan mo,  may kulang pa nga sila.

Dapat maningil pa nga kami eh. Talagang up to now ipinaglalaban ko na may utang pa rin ang PTV 4 na dapat kaming bayaran.”

Kung pagbabasehan ang kontrata, lumagpas sa isang taon ang pag-iere ng DOT ads sa programang Kilos Pronto na pinangungunahan ng magkapatid na Ben at Erwin Tulfo bilang mga host ng programa

Kaya hindi aniya P60-M kundi higit pa rito ang kailangang bayaran ng PTV network sa kanila.

 “It’s more than one year, as a matter of fact, nag exceeds pa kami.

Hindi pa nga nababayaran ng kasalukuyang DOT. Kulang, dahil unang-una may billing kami, proper, may certificate of performance, copy of the tape on airs, na pwede naman ireview yan.

So lahat kumpleto”

Nasaktan rin si Ben Tulfo sa ipinakitang presentasyon sa senado ni Senate Blue Ribbon Committee Chairman Senator Richard Gordon.

Ito ay dahil sa mali-maling impormasyon kaugnay sa ratings earned ng kanyang programang Kilos Pronto na lumabas bilang kulelat na programa ng PTV.

“Parang  nilabas, nilalait ang programa namin, na parang kung titingnan mo mali-mali ang information sa loob na parang ang dating na ang Kilos Pronto ay kulela..”

Ayon sa inisyal na pag aaral ng komite sa senado, may pagkukulang ang pamunuan ng DOT sa usapin ng conflict of interest na bigong matingnan ng opisina ni Teo.

Ayon kay Sen. Richard Gordon, Chairman ng Senate Blue Ribbon Committee, “May programa sa atin ang Tulfo bakit tayo pumipirma, kaya hindi mo mailusot eh, hindi mo mailulusot.”

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *