Fernando Alonso

Fernando Alonso, magreretiro na sa Formula One

Sports

Plano nang magretiro ng two-time World Champion na si Fernando Alonso sa Formula One ngayong 2018 season.

Tuluyan nang lilisanin ni Alonso ang mundo ng F1 at ng McLaren kapag matapos na ang kontrata nito ngayong taon.

Tatapusin lamang nito ang siyam pang natitirang races sa taong ito.

Isa na rito ang Russian Grand Prix na gaganapin sa Setyembre.

Naging pinakabatang F1 world champion si Alonso noong 2005 at 2006.

Pang-anim si Alonso sa pinakamatagumpay na driver sa kasaysayan ng naturang sports matapos na maghakot ito ng 32 wins, 97 podium finishes at 22 pole positions.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *