Mexico

Paggamit ng mina para magtayo ng airport sa Mexico, binatikos

International News

Pinangangambahan ng mga lokal na residente ang epekto ng itinatayong kontrobersyal na airport sa Mexico City.

Binatikos ang pagpili sa maputik at hindi matatag na lupain kung saan itatayo ang bagong intl airport.

Bumababa ng 8 hanggang 16 na pulgada ang lupa rito kada taon kung kaya’t kelangan tabunan ng tenzontle, isang uri ng pulang volcanic rock na kasalukuyang minimina para suportahan ang itinatayong istruktura.

Ayon naman kay David Delgado, isang Agroecology Professor sa Mexico, ang pagmimina ng nasabing volcanic rock sa burol ng Texcoco ay nangangahulugang mawawalan ng proteksyon at suporta ang mga kabahayan malapit dito kung kaya’t nanganganib bumagsak ang mga ito anumang oras.

Binatikos rin ni President-Elect  Andres Manuel Lopez Obrador ang kamahalan at lokasyon ng nasabing proyekto.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *