P1.16-B supplemental budget

Pagpasa ng P1.16-B supplemental budget sa biktima ng dengvaxia, pinamamadali

National News

Pinamamadali ng kamara sa senado ang pagpasa sa panukalang P1.16-B supplemental budget para sa mga biktima ng anti-dengue vaccine.

Umaasa si House Appropriations Committee Chairman Karlo Alexei Nograles na maipasa ng Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang naturang panukala bago ang kanilang recess sa Huwebes, August 16.

Sa nasabing pondo magmumula ang tulong ng gobyerno para sa mga naturukuan ng dengvaxia.

Nakalaan ang P1.16-B supplemental budget sa pagpapagamot ng mga naturukan ng dengvaxia, profiling, hiwalay na serbisyo sa mga doktor at nurse at marami pang iba.

Ayon kay Nograles, hindi na mahihirapan ang DOH sa pagdetermina kung saan kukuha ng pangtulong sa mga bakuna.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *