pinaiimbestigahan

Umano’y P6.8-B shabu shipment na nakapuslit sa BOC, pinaiimbestigahan

National News

Pinaiimbestigahan ng minorya ng Senado ang umano’y 6.8 bilyong pisong shabu shipment na nakalusot sa Bureau of Customs (BOC).

Sa inihaing Senate Resolution no. 849, hiniling ng mga ito sa Senate Committee on Accountability of Public Officers and Investigation na imbestigahan kung paano nakapasok at nakalusot sa BOC ang mga iligal na droga.

Binanggit sa resolusyon na ang magnetic lifters na nakuha sa Cavite ay pinaniniwalaang naglalaman ng isang toneladang shabu.

Nangangamba rin ang minority senators na kumalat na sa bansa ang mga iligal na droga.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *