SWS survey

Palasyo, tanggap ang SWS survey na nagsabing hindi naging maganda ang buhay ng mga Pilipino

National News

Aminado ang Malakanyang sa lumabas na SWS survey na nagsasabing hindi naging maganda ang buhay ng mga Pilipino sa ikalawang quarter ng 2018.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, naiintindihan nila  ang naging persepsiyon ng mga Pilipino gayong sadyang maraming pagsubok ang dumaan.

Ilan na rito sabi ni Roque ay ang pagtaas ng presyo ng gasolina na nakaapekto sa presyo ng mga pangunahing bilihin.

Pero sa inilabas na survey ng SWS, ang mahalaga rito’y hindi nawawala ng pag-asa ang mga tao na bubuti pa rin ang kanilang pamumuhay.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *