Koronadal City

Koronadal City, binulabog ng pagsabog

Provincial News

Muling binulabog ng pagsabog ng hinihinalang Improvised Explosive Device (IED) ang Koronadal City.

Ito ay matapos sumabog ang isang IED sa upper Osmeña Street.

Bukod rito, nakita sa lugar ang isa pang pinaniniwalang IED na nakasilid sa itim na bag na agad namang na-detonate ng mga rumespondeng otoridad.

Ayon sa pulisya, posibleng pananakot at pananabotahe ang pagpapasabog na isinabay sa pagtatapos ng Koronadal International Folklore Festival. 

Matatandaan na pinasabugan rin ng IED ang Christ The King Cathedral sa Koronadal nitong nakaraang mga buwan.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad sa naturang insdente.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *