state of calamity

Zamboanga City, inirekomendang isailalim sa State of Calamity

Provincial News

Inirekomenda ng mga opisyal ng lokal na pamahalaan na ideklara ang state of calamity sa Zamboanga City.

Ayon kay Zamboanga City Mayor Maria Isabelle Climaco-Salazar, ito ay dahil sa kakulangan ng bigas sa lugar na nagresulta sa pagtaas ng presyo nito mula P50-P70 kada kilo.

Ayon kay Salazar, ipinadala sa Jolo, Sulu ang commercial rice na para sana sa Zamboanga City dahil sa malawakang sunog na tumupok sa mahigit 3, 000 kabahayan noong nakaraang buwan.

Ipinaliwanag ng alkalde na kailangan ng Zamboanga City ng 180, 000 sako ng bigas para sa 3 buwang buffer stock subalit natanggap lang nila ay 40, 000 hanggang 50, 000 sako ng NFA.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *