Black box at flight data

Black box at flight data recorder ng Xiamen plane, ipapasuri ng CAAP

Metro News

Ipapasuri ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang black box at flight data recorder ng Xiamen plane na sumadsad sa runway ng Ninoy Aquino International Airport.

Ayon kay CAAP Spokesman Eric Apolonio, posibleng sa Singapore o sa Japan dadalhin ang black box at flight data recorder para mapasuri.

Pagbibigay-diin pa ni Apolonio, ang technical details na naka-encode sa flight data recorder ay makakatulong sa kanilang imbestigasyon sa kung ano ang kondisyon ng Boeing 737 plane.

Ang mga piloto at crew ng Xiamen Air ay patuloy na isinasailalim sa imbestigasyon ng CAAP Board of Investigators.

Nagnegatibo naman sa drug at alcohol tests ang mga pilot.

SMNI News

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *