Makati City

Subway project sa Makati City, aarangkada ang konstruksyon sa Disyembre

Metro News

Posibleng umpisahan na sa buwan ng Disyembre ang kontstruksyon ng Intracity Subway project ng Makati City.

Ayon kay Mayor Abigail Binay, agad na aarangkada ang konstruksyon kung maisasapinal na ang kumpanyang gagawa ng nasabing subway project.

Dagdag pa ng alkalde ang kumpanyang IRC properties ang nag-propose ng subway project sa Makati City.

Nais ng kumpanya na pangunahan ang konstruksyon, pagmanage at pag-maintain nito ngunit isinailalim ang proyekto sa Swiss Challenge Process, kung saan maaring mag-bid ang iba pang kumpanya ng mas mababa pa sa halagang $3.7-B.

Ang intracity subway project ng Makati ang kauna-unahang subway project sa bansa.

Isa itong mass transport system na may layuning pabilisin ang biyahe sa Makati na itinuturing na isa sa pinaka-maunlad at ma-traffic na lungsod sa bansa.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *