Metro Manila

180,000, lumabag sa local ordinance ng Metro Manila

Metro News

UMAABOT na sa halos 180,000 ang naitalang kaso sa paglabag sa local ordinance sa Metro Manila.

Sa tala ng NCRPO, pumalo na sa 177,929 ang mga naitalang paglabag sa mga ordinansa na ipinapatupad ng mga lokal na pamahalaan sa Kalakhang Maynila mula Hunyo 13-Agosto 26 ng taong ito.

Ayon kay Ncrpo Chief Dir. Guillermo Eleazar, kabilang dito ang pag-inom sa pampublikong lugar, smoking ban, half naked o walang suot pang-itaas.

Kabilang din ang curfew sa mga minor de edad at iba pang ordinansa.

Mula sa nasabing bilang, 122,344 ang binigyan ng warning ng PNP habang 19,917 ang pinagmulta.

Sa ngayon ay dalawampu’t dalawa na lamang ang nananatili sa kustodiya ng PNP sa Southern Police District (SPD).

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *