“Nayon Landing Casino Resort”

“Nayon Landing Casino Resort”, hahatulan ng DOJ        

National News

NAKASALALAY sa desisyon ng Department of Justice (DOJ) ang konstruksyon ng “Nayon Landing Casino Resort”.

Sinabi ni Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) Chairman Andrea Domingo, ang DOJ ang hahatol sa $1.5-billion resort theme park

Planong itayo ang naturang theme park sa lupa ng Nayong Pilipino sa Paranaque City.

Aminado si Domingo na posibleng mabasura ang provisional license ng Landing International kapag iligal ang naging hatol ng DOJ sa kontratang pinasok ng korporasyon.

Pinag-aaralan ngayon ng PAGCOR ang epekto ng pag-aresto kay Landing Chairman Yang Zhihui matapos masangkot sa katiwalian.

Matatandaan na sinibak ni Pangulong Rodrigo Duterte ang matataas na opisyal ng Nayong Pilipino Foundation dahil sa kuwestyonableng kontrata.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *