hinamon

 Pangulong Duterte, hinamon na sumailalim sa IQ test

National News

HINAMON ni Senator Antonio Trillanes IV si Pangulong Rodrigo Duterte na sabay silang sumailalim sa isang IQ test.

Ito ang tugon ni Trillanes sa banat ni Pangulong Duterte na mababa ang IQ nito at kung paano naka-survive sa Philippine Military Academy.

Sinabi ni Trillanes na para matapos ang isyu ay isasabay niya si Duterte na sumailalim sa isang IQ test.

Ayon kay Trillanes may dagdag pa na plus ten ang IQ ng pangulo at kung mahigitan nito ang IQ ng senador ay magbibitiw ito sa Senado.

Katunayan daw ng mababang IQ ng pangulo ang wala itong maisip na solusyon sa napakaraming problema ng bansa.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *