Special election sa Marawi, isasagawa sa September 22  

Regional

SINIMULAN na ng Commission on Elections (Comelec) ang pag-imprinta ng mga balota para sa barangay at sangguniang kabataan election sa Marawi City.

Umaasa ang Comelec na matatapos ng hanggang isang linggo ang pag-imprinta ng National Printing Office ng nasa walumpung libong mga balota.

Nakatakdang isagawa ang special election sa Marawi sa Setyembre 22.

Ito ay matapos ipagpaliban ng commission en banc ang halalan sa Marawi City dahil sa naganap na giyera doon.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *