Mactan International Airport

Duterte, pabor na palitan ang pangalan ng Mactan International Airport

Regional

PABOR si Pangulong Rodrigo Duterte na palitan ang pangalan ng Mactan International Airport sa Lapu-Lapu International Airport.

Kasunod na rin ito ng rekomendasyon ng National Historical Commission of the Philippines (NHCP) upang makilala ang bayaning si Lapu-Lapu.

Ayon sa pangulo, dapat lamang kilalanin si Lapu-Lapu na nakipaglaban noon sa Portuguese explorer na si Ferdinand Magellan.

Makailang beses nang inihayag ng pangulo na bilib ito kay Lapu-Lapu kung saan bumuo pa ito ng order of Lapu-Lapu na kanyang ibinibigay sa ilang indibidwal.

Nilagdaan din nito ang Proclamation No. 200 na nagdedeklara sa Abril 27 bilang Lapu-Lapu Day noong 2017.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *