Pilipinas

Ika-4 gintong medalya ng Pilipinas, nasungkit ng isang skateboarder

Sports

ISANG babaeng atleta na naman ang nag-angat hindi lang sa medal standing ng Pilipinas bagkus maging sa karangalan ng bansa.

Ito’y sa nagpapatuloy na Asian Games 2018 sa Indonesia.

Nasungkit ni Skateboarder Margielyn Didal ang pang-apat na gintong medalya ng Team Philippines sa Women’s Street Skateboard Competition.

Nakapagtala si Didal ng 30.4 points na mas mataas sa naging  puntos ng silver medalist na si Kaya Isa ng Japan.

Nakakuha si Isa ng 25.0 points habang nakuha naman ni Bunga Nyimas ng Indonesia ang 19.8 points.

Sa naging pagkapanalo naman ng 19-year old Cebuana, umangat na sa ika-16 na puwesto ang Pilipinas sa medal standing.

Kasama naman ni Didal na nakapag-ambag na ng ginto para sa Team Philippines ay si weightlifter Hidilyn Diaz

Maging ang mga golfers na sina Yuka Saso, Bianca Pagdanganan at Lois Kaye Go.

Samantala, nasungkit naman ni Almohaidib Abad ang pang-labing tatlong bronze medal ng Pilipinas sa Pencak Silat Men’s Single Competition.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *