Aretha Franklin

Libo-libong fans ni Aretha Franklin, nakidalamhati

International News

DINUMOG ng libo libong fans ang libing ni Queen of Soul Aretha Franklin sa Charles H. Wright Museum for African American History sa Detroit.

Nag-camp out ang mga fans ni Aretha sa labas gabi pa lamang bago ang kanyang libing upang ipakita ang suporta sa yumaong singer.

Ang ilan ay nag queue sa lansangan bago pa magbukas ang museum para sa kanyang open casket viewing.

Ilan sa mga hits ni Aretha ay ang hindi makalilimutang kanta tulad ng ‘Respect’, ‘Natural Woman’, at I Say a Little Prayer.’

Matatandaan na si Aretha ay nag-suffer sa advanced pancreatic cancer na naging sanhi ng kanyang pagkamatay.

SMNI News

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *