isasabak

Mga bagong graduate sa PMA, isasabak laban sa NPA      

National News

ISASABAK ang dalawandaan apatnapung bagong tinyente laban sa mga komunistang New People’s Army.

Ang mga bagong batch ng 240 commissioned 2nd lieutenants ay binubuo ng 102 mga lalaki at 37 babae na nagsipagtapos sa Philippine Military Academy (PMA) Alab Tala Class 2018.

Habang 88 namang mga la­laki at 12 babae na mga nagtapos naman sa Officer Candidate School (OCC) Class 49-17.

Isa naman dito ay graduate ng British Army Commissioning Course 163 ng Royal Military Academy Sandhurst (RMAS).

Ayon kay Philippine Army Spokesman Lt. Col. Louie Villanueva, mayorya sa mga ba­­gong tinyente ay ide­­­deploy sa mga field units ng Philippine Army partikular sa Western Mindanao.

Ang mga ito ay lala­ban sa mga rebel­deng NPA, Abu Sayyaf Group, Bangsamoro Islamic Freedom fighter at iba pang banta sa pambansang seguridad.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *