#misisnimar

Netizens, naintriga sa hashtag #misisnimar ni Korina Sanchez

Showbiz

NAINTRIGA sa isang Instagram post ni Korina Sanchez ang mga netizens kung saan gumamit ito ng #misisnimar.

Ayon sa caption ng veteran broadcaster, habang siya ay nag tatrabaho sa Manila ay si Mar naman daw ay nag staycation sa Baguio.

Kasama ni Mar ang kanilang mga anak ni Korina.

Ipinahayag ni Korina ang pagkamiss sa kanila at sa dulo ng caption ay naroon ang controversial hashtag.

Walang ibig pakahulugan dito ang news and current affairs personality ngunit ang ginamit niyang hashtag ay naging kontrobersyal.

Ito ay dahil tinawag siya noon ni Kris Aquino sa isang Instagram post nito na ‘Misis ni Mar.’

Ikinatuwa ng mga netizens ang hashtag ni Korina ngunit ang iba naman ay sinabing tila may iba itong pinapakahulugan.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *