Israel

Pangulong Duterte, tutungo sa Israel

National News

TULOY na ang biyahe ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Israel sa susunod na buwan.

Ito ang kinumpirma ni Special Assistant to the President (SAP) Bong Go.

Kaugnay nito, inimbita ni Go sina Magdalo Party-List Rep. Gary Alejano at Senator Antonio Trillanes na sumama sa biyahe ng pangulo.

Ginawa ito ni Go matapos ihayag nina Alejano at Trillanes na kaya bibisita ang pangulo sa Israel para doon ito magpapa-check-up ng kaniyang kalusugan.

Pinayuhan din ni Go ang dalawa na magpatingin rin ng kanilang kalusugan.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *