Cynthia Villar

Sen. Cynthia Villar, suportado ang pagpapabuwag sa NFA      

National News

SUPORTADO ni Senador Cynthia Villar ang panukalang pagbuwag sa National Food Authority (NFA). 

Sinabi ni Villar na bigo ang NFA na magawa ang kanilang mandato na magkaroon ng buffer stock ng bigas.

Ito ay para matulungan ang mga magsasaka at mga kumokonsumo ng bigas.

Ayon kay Villar, oras na maipasa na ang Rice Tarrification Bill ay mali-liberalize na umano nito ang importasyon ng bigas at malaki ang maitutulong nito sa mga magsasaka sa bansa.

Kapag nangyari umano ito ay posibleng buwagin na ang NFA.

Bukod dito, hindi rin umano napigilan ng Philippine Competition Commission ang rice cartel na naging dahilan sa pagtaas ng presyo ng bigas sa merkado.

Iginiit ng senadora na hindi dapat tumaas sa 40-pesos ang presyo ng bigas, lokal o imported dahil ang puhunan nito ay 25 hanggang 36 pesos lang.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *