Vice President Leni Robredo

Taumbayan, pabor na si Vice President Leni Robredo ang pumalit kay Pangulong Duterte

National News

LUMAMANG si Vice President Leni Robredo sa mga ginawang survey sa Twitter ng mga taga-suporta ni dating Senador Bongbong Marcos.

Sa nasabing survey, lumitaw na dapat ang bise presidente ang papalit kapag nag-resign si Pa­ngulong Rodrigo Duterte.

Ang Twitter poll ay ginawa ng Twitter User na si @sen­imeemarcos—na umano’y pinatatakbo ng isang “loyal supporter” ng kapatid ni Bongbong na si Ilocos Norte Gov. Imee Marcos.

Sa survey, nakakuha si Robredo ng 71 percent mula sa tanong sa mga netizens kung sino ang kanilang vice president.

Sa ikalawang tanong, nakakuha ng 86 percent si Robredo kung sino ang gustong ipalit ng mga kabataan kung magre-resign si Duterte bilang presidente.

Itinanggi rin ng mga kabataan na tinawag ng gobernadora na millenials, na naka-move on na sila

Aniya, isang ‘delusion” lamang ang pananaw na ito ni Imee Marcos.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *