kinundena

VP Robredo, kinundena ang pahayag ng PNP laban sa Naga City

National News

Sa pagdalo nito sa budget hearing sa Kamara ay mariing kinundena ni Vice President Leni Robredo ang mga pahayag ng pamunuan ng Philippine National Police.

Kaugnay ito sa mataas na bilang ng krimen at talamak na kalakaran ng iligal na droga sa Naga City.

Ayon kay Robredo, huwag ng idamay ang Naga kung siya naman talaga ang target ng mga paninira.

Naniniwala kasi ang pangalawang pangulo na siya ang target ng mga paninira at nadadamay lamang dito ang taga-Naga.

Samantala, sinita naman ni AKO Bicol Rep. Alfredo Garbin ang mga pahayag ng Philippine National Police o PNP laban sa Naga City.

Sa budget hearing ng DILG sa Kamara, mariing sinabi ni Garbin na sadyang mapanira ang pahayag ng PNP.

Sa inilabas ng PNP na nasa ika-limang pwesto ang Naga sa mga syudad na talamak ang kriminalidad.

Pati narin ang pagkakadawit ng siyudad sa mga lugar kung saan talamak din ang kalakaran ng iligal na droga.

Bilang mga taga pamahalaan, iginiit ni Garbin na dapat tama ang mga inilalabas na datos at pahayag ng PNP.

Lalo na kung makakasira ito sa imahe ng isang lokalidad.

Samantala, nanindigan naman si PNP Chief Dir. Gen. Oscar Albayalde na tama ang kanilang datos kaugnay sa mataas na bilang ng krimen sa Naga.

Katunayan, giit ni Albayalde na pang-anim umano ang syudad sa crime volume sa mga lungsod sa labas ng Metro Manila.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *