Agriculture

Agriculture Sec. Piñol, pinabababa sa pwesto

Metro News

BINATIKOS ng mga Minority bloc sa Kamara ang pahayag ni Agriculture Secretary Manny Piñol.

Ito’y dahil sa aniya ay maaari pang kainin ang mga bigas na tinamaan ng bukbok sa Subic Bay Free Port.

Hamon ngayon ni Minority Leader Congressman Danilo Suarez, si Piñol ang unang kumain ng mga nabukbok na bigas.

Kaya panawagan nila kay Secretary Piñol na bumaba na lamang sa pwesto.

Ito ay kung hindi nila kaya na solusyonan ang problema ng kakulangan sa suplay ng bigas maging ng isda.

Samantala, binatikos din ng minorya sa Kamara ang patuloy na importasyon ng bigas pati narin ang balak na importation ng isda ng Agriculture Department.

Giit ng mga mambabatas, kayang maresolba ang food shortage kung susuportahan ng pamahalaan ang lokal na mga mangingisda at magsasaka.

Sa halip na buksan ang pintuan para sa mga importers na pakikinabangan lamang ng mga negosyante.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *