Angelina Jolie

Angelina Jolie, bumagsak ang timbang matapos ang divorce

Showbiz

UMABOT na sa 76 pounds ang nawalang timbang sa actress na si Angelina Jolie.

Ito’y matapos ang pakikipag-hiwalay ng aktres sa kanyang asawang si Brad Pitt.

Ayon sa isang source na malapit kay Angelina ay tumigil na itong kumain at kasalukuyang lalo pang bumababa ang timbang.

Naaalarma na ang ilang doctor dahil sa pagka-anorexic ni Angelina kung saan ang kanyang balat ay nagsisimula ng lumaylay o mag-sag.

Wala na ring taba sa kanyang mga pisngi at braso at ang kanyang mga buto ay unti-unti na ring nasisira.

Dagdag pa ng nasabing source na nasa verge of collapsing na ito kaya’t kailangan na niya ng tulong.

Kasalukuyang nakikipag laban pa rin ang aktres sa isang custody battle laban kay Brad Pitt.

Ito ay upang mapanatili sa kanyang poder ang kanilang mga anak na sina Maddox, Zahara, Pax, Knox, Viviene At Shiloh.

SMNI News

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *