BFAR

BFAR, nagbabala sa publiko kaugnay sa red tide

National News

NAGBABALA ngayon ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa paghango, pagbebenta at pagkain ng mga shellfish products.

Kabilang dito ang tahong, talaba at halaan na nakukuha sa mga baybayin mula sa ilang lugar sa bansa.

Nakitaan ng mataas pa ring lebel ng paralytic poison o red tide ang mga coastal waters ng Matarinao Bay sa Eastern Samar.

Maging ang Lianga Bay, Surigao del Sur;  Dauis at Tagbilaran City, bohol; at Puerto Princesa at Honda Bays, Puerto Princesa City. 

Diin pa ng BFAR, hindi ligtas na kainin ang lahat ng uri ng shellfish maging ang alamang na galing sa naturang mga lugar. 

Dagdag pa ng ahensya ang mga mahuhuli namang isda, pusit, hipon at alimasag mula dito ay maaaring kainin.

Basta matiyak na nalinisan ito ng mabuti sa pamamagitan ng pag-tanggal ng lamang loob o bituka bago lutuin.

SMNI News

 

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *