Paninigarilyo

Paninigarilyo, ipagbabawal na sa Boracay beach

Regional

IPAGBABAWAL na ng Department of Tourism ang paninigarilyo sa gilid ng Boracay beach.

Ito ang inihayag ni Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat para sa kaligtasan ng mga beach goers sa muling pagbubukas sa Isla ng Boracay.

Ayon kay Puyat, may mga guidelines na silang ilalabas para sa mga ipagbabawal sa public beach at white beach.

Kabilang sa listahan ng ipagbabawal ang paninigarilyo.

Katuwang ng DOT sa pagpapatupad ng mga bagong patakaran sa Boracay ang Department of Environment and Natural Resources (DENR).

At maging ang Department of Interior and Local Government (DILG).

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *