Ryan Gosling

Ryan Gosling, kumuha ng flying lessons para sa bagong pelikula

Showbiz

UPANG matutunan ang buhay ng pagiging isang astronaut, kumuha ng flying lessons ang aktor na si Ryan Gosling.

Ito ay para sa kanyang bagong film patungkol sa buhay ni Silent Space Hero Neil Armstrong.

Sinabi ni Ryan na kaya ito kumuha ng mga nasabing lessons upang mai-mindset niya ang isang pagiging engineer at test pilot.

Ang pagbibidahang film ng 37-year old Canadian actor ay ipapalabas sa Venice Film Festival.

Ang naturang festival ay tumatalakay sa buhay ni Neil Armstrong.

Kabilang na ang mga trahedyang kanyang nalampasan para lang maging ‘First man to walk the moon.’

Ayon kay Ryan, may rason kung bakit si Neil ay destined na maging best pilot of all time at siya ay hindi.

Dagdag pa nito, may ‘something different’ kay Neil at sa mga astronauts kung kaya’t marapat lang na sila ay tawagin bilang universal heroes.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *