joint investigation

PDEA at BOC joint investigation sa shabu shipment, isinagawa na

National News

NAGSASAGAWA na ng joint investigation ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Bureau of Customs (BOC) sa bilyun-bilyong shabu shipment.

Sinabi ni PDEA Region 4A Director Adrian Alvarino na nagkasundo sila na magsagawa ng malalimang imbestigasyon sa shabu smuggling.

Hiniling ni Alvarino na magkaroon ng executive session para mailabas nila ang detalye ng kanilang progress report.

Ayon kay Alvarino, nagpapatuloy pa ang kanilang imbestigasyon kaya hindi pa ito maaring isapubliko.

Kinumpirma naman ni PDEA Director General Aaron Aquino na nakapagsampa na sila ng kaso laban sa apat na personalidad.

Ang naturang mga personalidad ang umano’y nasa likod ng P4.3B shipment na nasabat sa Manila International Container Port (MICP).

Kabilang dito ay sina Chan Yee Wah Albert, Zhang Quan, Vedasto Baraquel Jr at Maria Lagrimas Catipan.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *