25 miyembro

25 miyembro ng NPA sa Sultan Kudarat, sumuko

Regional

SUMUKO sa militar at pulisya ang nasa 25 miyembro ng New People’s Army- Guerilla Front 73 sa Sultan Kudarat.

Kasamang ring isinuko ng mga NPA ang labindalawang uri ng mga armas at dalawang improvised na bomba.

Isinuko ang mga naturang armas ng NPA sa pinagsanib na puwersa ng 33rd Infantry Battalion at 1st Mechanized Infantry Battalion ng Philippine Army.

Kabilang din ang PNP ng Sultan Kudarat.

Bibigyan ni Sultan Kudarat Governor Pax Mangudadatu ang mga sumukong rebelde ng cash assistance.

Kabilang ang livelihood package sa ilalim ng Enhanced Comprehensive Local Intergration Program.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *