Chinese vessel

Chinese vessel sa Davao City, may diplomatic clearance

National News

KINUMPIRMA ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na may diplomatic clearance ang pagdaong ng Chinese vessel sa Davao City.

Sinabi ito ni Eastern Mindanao Command spokesperson Major Ezra Balagtey.

Aniya, binigyan ng diplomatic clearance ng Department of Foreign Affairs (DFA) para makadaong sa Davao City ang M/V Yuan Wang 7.

Tatlong araw nanatili sa Sasa Wharf ang barko ng China para sa isang goodwill visit.

Nag-replenish din ng mga supply ang barko para sa mga crew nito.

Ngayong araw nakatakdang umalis sa Davao Port ang barko ng China.

Hindi ito ang unang pagkakataon na dumaong sa Davao City ang Chinese Vessel.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *