Isulan, Sultan Kudarat

Isulan, Sultan Kudarat, muling binulabog ng pagsabog

National News

ISA katao ang kumpirmadong patay habang labinlima ang sugatan sa muling pagsabog sa bayan ng Isulan, Sultan Kudarat.

Ayon kay PNP Chief Oscar Albayalde, naganap ang pagsabog sa isang computer shop sa Barangay Kalawag 2 ng nasabing bayan.

Sa inisyal na ulat, apat pa ang kritikal sa nasabing pagsabog.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng mga otoridad sa naturang insidente.

Ito na ang ikalawang pagsabog sa bayan ng Isulan.

Naganap ang unang bombing incident noong Martes ng gabi na ikinasawi ng tatlo katao habang tatlumpu’t anim na iba pang ang nasugatan.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *