Mayor Sara

Mayor Sara, pumalag sa ulat kaugnay sa rape case sa Davao City

National News

PINALAGAN ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio ang ulat na naging mataas ang bilang ng rape case sa lungsod.

Ayon kay Duterte-Carpio, mas mababa ang bilang ng kaso ng panggagahasa ngayon taon kumpara noong nakaraang taon.

Base sa tala ng pamahalaang lungsod ng Davao, nasa 89 na kaso ng rape ang naitala sa unang anim na buwan ngayong taon.

Mas mababa ang naturang bilang sa 132 na kaso noong 2017 sa parehong period.

Sinabi ng alkalde na mas pinaigting ng lungsod ang mga programa sa pagbibigay ng kaalaman sa mga kabataan.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *