2019 FIBA World Cup Asian Qualifiers

Gilas Pilipinas naghahanda na para sa 2019 FIBA World Cup Asian Qualifiers

Sports

PINAGHANDAAN na ng Philippine Team ang kanilang laro para sa second round ng 2019 FIBA World Cup Asian Qualifiers.

Isinagawa ang unang ensayo kahapon sa Meralco Gym na dinaluhan ng lahat ng Gilas players.

Natuwa si Coach Yeng Guiao dahil kumpleto ang naging attendance ng mga manlalaro.

Kabilang sa dumalo sina Scottie Thompson, Greg Slaughter ng Ginebra, Alex Cabagnot at Marcio Lassiter ng Beermen.

Kabilang din sina Ian Sangalang ng Magnolia at Allein Maliksi ng Blackwater.

Nasa ensayo rin ang Pinoy squad na sumabak sa nakalipas na 2018 Asian Games na sina Christian Standhardinger, Beau Belga, Raymond Almazan.

Maging si Poy Erram, Paul Lee, Stanley Pringle, Gabe Norwood at Asi Taulava.

Nagpakita rin sa praktis sina Japeth Aguilar at Matthew Wright sa kabila na suspendido ang mga ito ng isang laro.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *