Martial Law

Pagpapalawig ng Martial Law sa Mindanao, tinutulan

National News

TUTOL si Senador Panfilo Lacson na muling palawigin ang Martial Law sa Mindanao.

Sinabi ni Lacson, chairman ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs, na hindi kailangan ang Martial Law extension.

Kung dahil lang naman aniya ito sa mga naganap na pagsabog sa Isulan, Sultan Kudarat.

Iginiit ni Lacson na hindi lamang sa Mindanao nagaganap ang pambobomba dahil maging sa Masbate sa Bicol Region ay may pagsabog.

Ayon kay Lacson, mahalagang mapalakas ang intelligence gathering kaysa palawigin pa ang batas militar.

Naniniwala ang senador na kung magkakaroon ng intelligence work ay maiiwasan ang malagim na mga pagsabog dahil maaagapan ito ng mga otoridad.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *