Thanksgiving and Worship Presentation

Pastor Apollo pinangunahan ang live Openfield Thanksgiving and Worship Presentation

Kingdom News

BILANG bahagi ng selebrasyon ng Ika-33 anibersaryo ng pagkakatatag ng the Kingdom of Jesus Christ, isang espesyal na Thanksgiving and Worship Presentation.

Ginanap ang selebrasyon sa the Kingdom of Jesus Christ open field setyembre dos na pinangunahan ni Pastor Apollo C. Quiboloy ng the Kingdom of Jesus Christ.

Dinaluhan ng libo-libong katao ang nasabing okasyon, kabilang na dito ang mga Kingdom citizen, televiewers, sympathizers, covenant partners at walk-in at first time visitors.

Kabilang din ang mga tagapag-sunod sa mga programa ni Pastor Apollo sa Sonshine Media Network International at maging sa internet.

Napuno ang openfield ng hiyawan ng pasasalamat sa Amang makapangyarihan sa mga pagpapalang ibinuhos nito sa kanyang Bansang Kaharian sa loob lamang ng 33 taon.

Lalong-lalo na sa buhay ng kanyang Hinirang at Piniling Anak, Pastor Apollo.

Nabigyan rin ng pagkakataon ang mga delegado ng Ika-22nd International Kingdom Leaders Convention na batiin ang mga Kingdom Citizens sa ibat-ibang bahagi ng mundo.

At dumating na nga ang pagkakataong hinihintay ng lahat, ang mangusap ang kanyang Hinirang na Anak upang ipahayag ang mensahe ng Amang makapangyarihan.

Ang mensahe ay maghahatid sa sangkatauhan sa tunay na kaligtasan.

“And what is the message that will save humanity…the message of the Appointed Son of God right now is the message that will save humanity,” pagbunyag ni Pastor Apollo.

“No other message right now will save humanity,” dagdag ng butihing Pastor.

Samantala, isang anniversary message naman ang hatid ni Pastor Apollo para sa bansang kaharian.

‘This is my 33rd Anniversary message to all of you…Whether I live in poorly or in wealth as long as it is the Father’s will it does not matter at all,” pahayag ni Pastor Apollo.

“Happy 33rd Anniversary!”  pagbati ni Pastor Apollo.

Hudyat man ito ng pagtatapos ng Ika-22 International Kingdom Leaders Convention, ay tangan-tangan naman ng mga Kingdom leaders ang mga panalangin.

Maging ang  mga biyaya at bagong kalakasan na hatid ng Amang Makapangyarihan .

Sa pamamagitan ito ng kanyang Hinirang na Anak upang mas lalo pang lumago ang gawain ng Ama sa kani-kanilang mga lugar.

Kabilang na ang makapaghatid ng mga bungang nakalulugod sa Kanyang harapan.

Manatili lamang nakatutok dito lamang sa Sonshine Media Network International para sa mga pinakahuling balita sa mga aktibidad ng Bansang Kaharian.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *