DND

DND, agad nag-abiso sa China hinggil sa pagkakasadsad ng barko

National News

AGAD na inabisuhan ng mga opisyal ng Department of National Defense (DND) ang kanilang Chinese counterparts.

Matapos na aksidenteng sumadsad ang BRP Gregorio del Pilar sa Hasa-Hasa Shoal sa West Philippine Sea.

Layunin ng hakbang na maiwasan ang anumang hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng Pilipinas at China kaugnay nito.

Magugunitang dalawang araw matapos sumadsad ang barko ay may inanunsyo si Chinese Foreign Ministry Spokesperson Hua Chunying.

Aniya ay naka-deploy ang kanilang coast guard vessels at isang rescue vessel malapit sa isang site sa silangang bahagi ng pinag-aagawang teritoryo.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *