Makati RTC

Makati RTC 148, pag-aaralan pa ang kaso ni Sen. Trillanes

National News

PAG-aaralan pa ng Makati RTC ang mga kaso noon ni Sen. Antonio Trillanes IV.

Matapos ipawalang bisa ni Pangulong Rodrigo Duterte ang amnesty na ipinagkaloob ni dating Pangulong Noynoy Aquino.

Ayon kay Judge Andres Soriano, rerebyuhin pa nila ang limampu’t tatlong volume ng case records ni Trillanes.

Kasunod ito ng paghahain ng mosyon ng Department of Justice sa korte.

Hiniling ng DOJ sa Makati RTC na maglabas ng hold departure order at alias warrant laban kay Trillanes.

Wala namang inilabas na timeline ang Makati RTC sa pagbusisi sa mga kaso.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *