pinahihigpitan

PNP, pinahihigpitan sa mga security provider ang kanilang seguridad

National News

PINAHIHIGPITAN ng PNP Supervisory Office for Security and Investigation Agencies (PNP-SOSIA) sa mga private security service provider ang kanilang seguridad ngayong “ber” months.

Lalo na sa mga mall at mixed establishment.

Sa inilabas na memorandum circular ng PNP-SOSIA, pinaalalahanan nito ang mga mall security provider.

Na ipatupad ng mga ito ang anti-terrorism at target hardening measure sa mga critical infrastructure, vital installation at mga pampublikong lugar.

Alam dapat ng mga agency ang lokasyon at contact numbers ng police stations na malapit sa kanila.

Ayon sa pahayag ni PNP-SOSIA Assistant Chief Senior Superintendent Bernie Banac.

Pinagbabawalan din ang mga security guard sa mall na magsuot ng Halloween mask at Christmas costume.

Tulad na lamang ng Santa Claus upang madali silang makilala at malapitan ng publiko.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *