Bilang

Bilang ng mga walang trabaho sa bansa noong Hulyo, bumaba

National News

BAHAGYANG bumaba ang bilang ng mga tambay o walang trabaho noong Hulyo.

Batay sa Labor Force Survey ng Philippine Statistics Authority (PSA), bumaba ng 5.4 percent ang unemployment rate.

Mula ito sa 5.6 percent sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.

Gayunman, tumaas ng 17.2 percent ang underemployement rate, mula 16.3 percent noong July 2017.

Ang opisyal na jobless rate ay batay sa bilang ng mga Pinoy edad labinlima pataas.

Kinakatawan naman ng underemployed ang mga may trabaho na subalit nais pang mag-overtime o magkaroon ng sideline at iba pang pagkakakitaan.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *