minomonitor

DFA, minomonitor ang mga Pinoy sa Japan earthquake

National News

PATULOY pang minomonitor ngayon ng Department of Foreign Affairs ang mga Pilipino sa Japan.

Matapos sa nangyaring Magnitutue 6.7 na lindol na tumama sa Hokkaido, Japan.

Ayon sa DFA, patuloy na rin nakikipag-ugnayan ang Embahada ng Pilipinas sa Tokyo sa lider ng Samahan ng mga Pilipino sa Hokkaido.

Kung saan may 1,800 na mga residenteng Pinoy ang nasa naturang isla.

Bukod dito, sinusuri na rin ngayon ng embahda kung may Filipino tourist o businnesman din ba na bumibista ngayon sa Sapporo City na naapektuhan ng pagyanig

Sa inisyal na impormasyon sa naturang isla, walang suplay ng kuryente sa buong lugar at wala ring operasyon ngayon ang train system.

Maliban rito, pahirapan rin ang signal ng komunikasyon sa naturang lugar.

Sa ngayon, nasa halos dalawampung katao na ang naitalang nawawala habang higit sa isandaang katao naman ang nasugatan.

Wala pa namang malinaw na impormasyon sa bilang ng mga nasawi sa naturang pagyanig.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *